Minsan May Isang Doktor

 Ang kuwentong "Minsan May Isang Doktor" na isinulat ni Rolando A. Bernales ay isang kwentong naglalarawan sa isang doktor na humarap sa isang mahirap na sitwasyon sa isang ospital matapos niyang madinig ang tawag para sa isang biglaang operasyon. Ang kwento ay tumatalakay sa responsibilidad, pasensya, at sakripisyo ng isang doktor sa kabila ng kanyang personal na kalungkutan. Isang makulay na pagsasalaysay ng relasyon ng isang doktor sa kanyang mga pasyente at ang mga pagsubok na dumarating sa kanyang propesyon. 


Sa kabila ng pagiging abala ng doktor sa kanyang tungkulin, ipinakita sa kwento na ang kanyang propesyon ay hindi madaling gawain, lalo na kapag humarap siya sa isang pasyente na may kritikal na kalagayan. Ang tatay ng batang pasyente ay ipinakita bilang isang taong nag-aalala, ngunit ang kanyang galit at pag-aalala ay umabot sa hindi tamang pagtrato sa doktor. Dahil na rin siguro sa stress at sa pag-aalala sa possibleng mangyari sa kanyang anak at hindi manlang iniisip ang nararamdaman ng doktor.


Sa kabuuan ng kwento, isang magandang halimbawa ng mga pagsubok at sakripisyo ng isang doktor, pati na rin ng mga emosyon at pananaw ng isang magulang sa pag-aalala para sa kaligtasan ng kanyang anak.At kung paano ipinapakita ng doktor ang pagiging propesyonal at may mataas na pagpapahalaga sa buhay ng tao,ngunit sa parehong oras ay ipinakita rin ang kanyang personal na kalungkutan.Isang malupit na pagsubok ang napagdaanan ng doktor matapos mamatay ang kanyang sariling anak, ngunit tinulungan pa rin niya ang batang pasyente sa kabila ng pagkawala ng kanyang anak. Ang pagkakaroon ng propesyonalismo at malasakit ng doktor ay ipinakita sa kanyang hindi pagpapakita ng sama ng loob sa ama ng bata at sa pagiging kalmado sa kabila ng matinding emosyon.


Ito ang kwentong nagpapaalala sa atin na sa kabila man ng mga pagsubok natin sa buhay dapat nating isipin ang nararamdaman ng ating kapawa.Ang pagmamalasakit at pagpapatawad ay ang pinakamahalagang sangkap sa pagpapabuti ng relasyon sa ating kapwa.

Comments

Popular posts from this blog

Minsan May Isang Doktor