Minsan May Isang Doktor
Ang kuwentong "Minsan May Isang Doktor" na isinulat ni Rolando A. Bernales ay isang kwentong naglalarawan sa isang doktor na humarap sa isang mahirap na sitwasyon sa isang ospital matapos niyang madinig ang tawag para sa isang biglaang operasyon. Ang kwento ay tumatalakay sa responsibilidad, pasensya, at sakripisyo ng isang doktor sa kabila ng kanyang personal na kalungkutan. Isang makulay na pagsasalaysay ng relasyon ng isang doktor sa kanyang mga pasyente at ang mga pagsubok na dumarating sa kanyang propesyon. Sa kabila ng pagiging abala ng doktor sa kanyang tungkulin, ipinakita sa kwento na ang kanyang propesyon ay hindi madaling gawain, lalo na kapag humarap siya sa isang pasyente na may kritikal na kalagayan. Ang tatay ng batang pasyente ay ipinakita bilang isang taong nag-aalala, ngunit ang kanyang galit at pag-aalala ay umabot sa hindi tamang pagtrato sa doktor. Dahil na rin siguro sa stress at sa pag-aalala sa possibleng mangyari sa kanyang anak at hindi manlang ini...